Masasa Beach Resort, Tingloy, Batangas, Philippines
Ang Masasa Beach ay isang white sand beach resort na makikita sa Tingloy, Batangas.
HOW TO GET THERE?
From Kamuning, maari kang sumakay ng JAM Liner going to Batangas Grand Terminal, hanapin lang ang may karatolang CALABARZON. Nasa less than P200 ang pamasahe. Then from Batangas Grand Terminal, maari kang sumakay ng jeep going to Anilao Port. Then sa Anilao Port, pwede ka nang mamalengke para naman sa kakainin niyo kung nais niyong mag-overnight sa Masasa Beach.
Sa kasamang palad, nakatulog kami, kaya nung papunta kami, hindi kami nagising ng Conductor, kaya napapadpad kami ng Batangas Port, then from Batangas Port, sumakay kami ng tricycle going to Crossing, then from Crossing, sumakay kami ng jeep na may karatulang Mabini, then ibinaba kami sa Anilao Port.
From Anilao Port naman sumakay kami ng bangka (P100/head ang bayad). Mahigit kumulang isang oras ang byahe from Anilao Port to Masasa Beach. Kadalasan pag sumakay ng bangka, ibinababa ng kapitan ang mga pasahero sa Tingloy Port, then from Tingloy Port, sasakay naman ng tricycle going to transient house na kung saan ka magstay. Kaya tanungin mo muna ang mga trabahador ng bangka kung didiretso sila ng Masasa para makamura ng tricyle.
Ang mga transient house na pwede niyong upahan ay nagkakahalaga ng P300 pesos per head. Libre na lahat, pang-luto, utensils, may kasama pang videoke. Kay ate Lucy Macuha kami nagstay, very hospitable, may libre pang buko :)
Nung dumaong kami sa Masasa, unang mapapasin mo, napakaraming uwak, nagkalat lang ang mga uwak sa isla.
Naligo kami sa may lagoon, mas okay ang klima ng dagat, hindi masyadong maiinit. Kung sa Masasa Beach ka mismo maliligo, medyo maiinit. Sad part lang, parang wala silang waste management, mga ilang lakad lang from shoreline ng dagat, makikita mo na basura, then sa mga transient house, sa tabing bahay lang itinatapon ang basura. Sana maayos ng Municipal ang basura, dahil masasayang ang lugar kung walang maayos na pagproseso ng basura.
FOR MORE ADVENTURE VIDEOS:
SECRET LAGOON, EL NIDO, PALAWAN, PHILIPPINES - TOUR A
Cliff Diving at Magpupungko Rock Pools, Pilar, Surigao Del Norte
Apo Whang-Od, National Tattoo Artist, Buscalan, Tinglayan, Kalinga
Adventures by A Himitsu
Creative Commons — Attribution 3.0 Unported— CC BY 3.0
Music released by Argofox
Music provided by Audio Library
GET CONNECTED WITH US:
FACEBOOK:
TWITTER: