Mt. Daraitan and Tinipak River, Tanay, Rizal - Hiking Adventure
Halina't puntahan natin ang natatagong paraisong taglay ng Mt. Daraitan, Tinipak River at Cave.
HOW TO GET THERE
P60 pesos ang pamasahe per head. From Crossing, Mandaluyong, maari kayong sumakay ng UV Express Van going to Tanay, Rizal. Approximately 2-3 hours ang byahe, then baba ng Jollibee, Palengke sa Tanay, Rizal.
Then from Palengke ng Tanay, Rizal, pwede kayong sumakay ng tricycle (P400 - P500 good for 4) going to Daraitan, mga 2 hours din ang byeha.
Kung gusto ng medyo mura, maari kayong sumakay ng jeep, kaso madalang byahe.
Then, from Daraitan, sakay kayo ng ng bangka, P5 pesos per head ang bayad or pwede rin dumaan sa tulay. Tapos diretso sa Brgy ng Daraitan, para magparehistro ang magbayad sa Tour Guide.
May environmental fee na P20-40 (nakalimutan ko na). Ang bayad naman sa Tour Guide (P500 1 day or P1,250 pag overnight)
Tapos pagnasa campsite na, magbabayad ka ng P40 pesos (environmental fee), then ang kubo P800 - P1,200.